Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
4 Tips Para Mapalakas Ang Immune System

4 Tips Para Mapalakas Ang Immune System

Ano ang mga tips para mapalakas ang immune system?

  1. Iwasan ang stress
  2. Matulog ng maaga
  3. Magpaaraw at mag ehersisyo
  4. Kumain ng mangosteen at cranberries

Sa panahon ngayon, lahat ng tao ay nagiingat para hindi mahawaan ng COVID-19 virus. Bukod sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa mga protokol na inatasan ng gobyerno, lahat ng tao ay dapat magpalakas ng immune system. Pero kung ikaw ay laging stressed, puyat, at hindi kumakain ng maayos, maaaring di malabanan ng iyong katawan ang virus. Kung gusto mo malaman ang mga tips para mapalakas ang immune system, ipatuloy lamang ang pagbabasa!

Iwasan Ang Stress

Kung laging kang problemado o iritable, maaaring nakakaranas ka ng stress. Ito ay isa sa mga bagay na maaaring pahinain ng iyong immune system. Kung lagi kang nakakaranas ng mga sintomas na ito, maiging pagisipan ang iyong lifestyle. 

Halimbawa, maaaring hindi ka na nakakapagpahinga pagkatapos ng iyong trabaho dahil sa dami ng gawaing bahay. Mahalaga na magkaroon ng oras mag relax at pahalagahan ang sarili dahil matutulungan nito matanggal ang iyong stess.

Matulog Ng Maaga
Matulog ng maaga

Lagi ka bang puyat at pagod? Kung mas kaunti sa anim na oras ang iyong tulog bawat gabi, mas mataas ang pagkakataon mong magkaroon ng common cold. Naapektuhan ng pagpupuyat ang kakayanan ng iyong immune system na lumaban sa mga virus.

Kung hirap ka makatulog sa gabi, bawasan ang paggamit ng smartphone, tablet, o TV bago ang oras ng tulog. Ang ilaw sa screen ay nakakaapekto sa iyong wake-sleep cycle kaya mas nahihirapan kang antukin. Maaari ka din gumamit ng sleeping mask o patayin ang ilaw para mas makatulog nang mahimbing.

Magpaaraw At Mag Ehersisyo

Ang exercise ay may mga benepisyo na naibibigay para mapalakas ang iyong immune system. Maaari nitong tulungan ang iyong immune cells para mag regenerate ng maayos. Kung gusto mo ng masayang paraan para maging aktibo, maaari mong subukan mag bike, jog, o swimming. Para mas mapalakas ang iyong katawan, mainam na gawin mo ito tuwing umaga.

Ito ay dahil gumagawa ang iyong balat ng vitamin D kapag naaarawan. Ito ay kailangan ng iyong katawan para sa malakas na immune system. Kahit na ikaw ay work from home, maglaan ng 15 hanggang 30 minutes para maglakad lakad o mag exercise sa labas.

Kumain Ng Mangosteen At Cranberries
Kumain ng mangosteen at cranberries

Ang mga prutas at gulay ay naglalaman ng mga vitamins and minerals na makakatulong sa pagpapalakas ng iyong immune system. Halimbawa, ang mangosteen ay may xanthones, vitamin C at fiber na kilala bilang epektibong pampalakas ng immunity sa mga sakit. Maliban dito, marami itong nutrients na kailangan ng iyong katawan para sa iba’t ibang bodily functions.

Isa pang masustansyang pagkain na magpapalakas ng iyong kakayahan ng lumaban sa mga virus ay ang cranberries. Mayroon din itong mataas na halaga ng vitamin C na nagpapalakas ng immunity at mga nutrients na mabuti para sa iyong kabuuang kalusugan.

Key Takeaway

Huwag mo na hintayin na ikaw ay magkasakit bago mo maisip gaano kahalaga ang iyong kalusugan. Sa panahong ito na mas madali mahawa ng virus, mainam na alam mo ang mga tips para mapalakas ang immune system.

Kung gusto mo magdagdag ng vitamins sa iyong diet, maaari mong subukan ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries! Maliban sa mangosteen na kilala para sa pagpapalakas ng immune system, mayroon din itong acai berry, bilberry, raspberry, cranberry, grapeseed, wolfberry, hawthorn berry, at acerola berries! Magkasama na lahat ito sa iisang capsule. Kaya madali mo nang makukuha ang nutrisyon na kailangan mo sa Healthmax Care capsule. 

Close Menu
×
×

Cart