Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
6 Tips Para Sa Kalusugan Ng Mga Senior

6 Tips Para Sa Kalusugan Ng Mga Senior

Ano ang mga tips para sa kalusugan ng mga senior?

  1. Maging aktibo
  2. Kumain ng healthy na pagkain
  3. Palaging maghugas ng kamay
  4. Huwag ipagpatuloy ang bisyo
  5. Inumin ang mga kailangang supplements

Dito sa Pilipinas, tinuturing ka nang isang senior citizen kapag umabot ka na ng 60 years old. Gustuhin man natin o hindi, lahat tayo ay aabot din sa ganoong edad, at mas nagiging madalas na ang mga sakit at komplikasyon sa kalusugan. Ang pinakamaiging magagawa na lang natin ay alagaan ang ating mga sarili para maging masigla at malusog pa rin sa pagtanda.

Ano ba ang mga pwedeng gawin ng mga senior? Mayroon kaming inihandang mga tips para sa kalusugan ng mga senior.

Maging aktibo

Natural na sa pagtanda ang pagdami ng nararamdaman sa ating katawan. Maaaring sumakit ang iyong siko, tuhod, at iba pang mga kasu-kasuan. Ang isang paraan na makakatulong ay ang pagiging aktibo.

Hindi mo kailangan ng matinding exercise para dito. Kailangan mo lang maigalaw ang iyong katawan para hindi mawala ang iyong lakas. Isa pa, ang pagiging aktibo ay makatutulong din sa iyong immune system. Kapag malakas ang iyong resistensya, mas kakayanin ng katawan mong labanan ang mga sakit. Konting lakad o jogging lang tuwing umaga ay sapat na para mapabuti ang iyong kalusugan.

Kumain ng healthy na pagkain
Kumain ng healthy na pagkain

Kapag umabot na sa mas mataas na edad, mas madali nang makakuha ng sakit. Kaya mas importante rin na kumain nang tama. Ang pagkain ng mga healthy na pagkain ay maraming maidudulot na mabuti sa iyong katawan. Nagiging panlaban mo ito sa mga sakit tulad ng sakit sa puso, hypertension, diabetes, at iba pa. Iwasan ang mga processed food at mga matatamis na pagkain.

Palaging maghugas ng kamay

Ang paghugas ng kamay ay isang mabuting gawi para sa iyong kalusugan. Napapatay nito ang mga virus na maaaring nahawakan natin. Lalong mas importante ito ngayong panahon ng pandemya dahil ang COVID-19 ay isang virus rin.

Kailangan mo lang maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon nang 20 segundo upang mapanatili itong malinis. Kung may alcohol man, pwede itong gamitin.

Huwag ipagpatuloy ang bisyo
Huwag ipagpatuloy ang bisyo

Kung sakaling ikaw ay may bisyo tulad ng paninigarilyo, panahon na para itigil ito. Ang paninigarilyo at sobrang pag inom ng alak ay lubos na nakasisira ng katawan. Mas delikado ito para sa mga senior dahil hindi na kasing tibay ang resistensya at ang katawan. Para panitilihin ang kalusugan at humaba ang buhay, iwasan na ang mga ito.

Inumin ang mga kailangang supplements

Karamihan ng mga senior citizens ay nangangailangan na ng mga supplements para maging malusog ang katawan. Kung may reseta ang doktor, inumin nang tama ang mga supplements para ang kalusugan ay umayos.

Key Takeaway

Palaging tandaan na kasama sa pagtanda ang paghina ng katawan. Ang aming mga tips para sa kalusugan ng mga senior ay iilan lamang sa mga pwedeng gawin para panitilihing malakas ang katawan.

Dagdag pa rito, mas makakatulong para sa kalusugan ng mga senior citizen ang pag inom ng Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries! Ang supplements na ito ay may mga kasangkapan na makakatulong sa puso, panlaban sa tumor, at panlaban sa inflammation. Tingnan aming mga produkto at umorder na para sa iyong kalusugan!

Close Menu
×
×

Cart