Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
4 Senyales Ng Mahinang Immune System

4 Senyales Ng Mahinang Immune System

Ano ang mga senyales ng mahinang immune system?

  1. Madalas ka magkaroon ng impeksyon
  2. Laging may problema ang iyong tiyan
  3. Pakiramdam mo ay parati kang pagod
  4. Parati kang stressed

Ang iyong immune system ang nagsisilbing depensa ng iyong katawan laban sa mga virus at bacteria na maaaring mag sanhi ng sakit. Ang kakulangan sa nutrisyon, pag-iinom ng alak, paninigarilyo, at stress ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit  nangyayari ito. Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng mahinang immunity ay delikado dahil sa panganib dala ng SARS-CoV-2 virus. Dahil dito, kailangan mo malaman ang mga senyales ng mahinang immune system. Ituloy ang pagbabasa. 

Madalas Ka Magkaroon Ng Impeksyon

Kung mahina ang iyong immune system, mahihirapan ito lumaban sa mga virus at bacteria na maaaring mag sanhi ng impeksyon—tulad ng SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng Covid-19. 

Kung ikaw ay may mahinang immunity, maaaring mapansin mo na madalas ka rin magkaroon ng impeksyon ng mahigit isang beses sa isang taon. Ang mga pangkaraniwan na sakit na makuha mo ay ang common cold, ear infection, pneumonia, sinusitis, bronchitis, skin infection at marami pang iba.

Maliban dito, ang mga taong may mahinang immune system ay madalas na mas matagal gumaling galing sa sakit. Isa itong senyales na nahihirapan ang iyong katawan na labanan ang impeksyon.

Laging May Problema Ang Iyong Tiyan

Laging may problema ang iyong tiyan

Ang iyong gut ay may trabahong tunawin ang iyong pagkain at kunin ang mga nutrients na kailangan ng iyong katawan. Pero maliban doon, alam mo ba na 70% ng iyong immune system ay matatagpuan sa iyong gut? 

Ang mga good bacteria na makikita rito ay pinoprotektahan ka sa impeksyon at sinusuportahan ang iyong immunity. Kaya pag naapektuhan ang dami ng good bacteria sa iyong gut, madadamay ang iyong immune system. 

Kaya kung nakakaranas ka ng problema sa tiyan tulad ng constipation, maaaring dahil ito sa imbalanced gut bacteria.

Pakiramdam Mo Ay Parati Kang Pagod

Ang palaging pag-oovertime o pagpupuyat ay ilan lamang sa mga sanhi kung bakit ka nakakaranas ng pagod. Kung hindi ka busy o kumpleto ang iyong tulog pero kulang pa rin ang iyong enerhiya, isa itong senyales na may problema ang iyong immune system. 

Maaari itong mangyari kung may aktibong impeksyon na nilalabanan ang iyong immune system. Kailangan gamitin ng iyong katawan ang lahat ng enerhiya para mawala ang mga virus o bacteria, kaya mas nakakaranas ka ng pagod. Ito ang rason kung bakit parati kang inaantok kapag ikaw ay may sakit. 

Parati Kang Stressed

Parati kang stressed

Ang stress ay isang normal na pakiramdam tuwing makakaranas ka ng mga pagsubok o mga pagbabago sa iyong buhay. Sa katunayan, nakakatulong ito na maging mas alerto ka sa mga problemang parating. 

Pero kung sobra, nagiging masama ang stress para sa iyong katawan. Maliban sa sakit ng ulo, high blood pressure, o chest pain, maaapektuhan din ang iyong immune system. 

Ang long-term stress ay nagiging problema dahil sa stress hormone na cortisol. Pinapababa nito ang response ng iyong white blood cells na may trabahong labanan ang mga impeksyon. 

Key Takeaway

Kung mahina ang iyong immunity, maaari kang magkaroon ng impeksyon, problema sa gut at makaranas ng pagod kahit hindi puyat. Maliban dito, dapat kang umiwas sa  long-term stress dahil maapektuhan nito ang iyong immune system. 

Kung gusto mong maiwasan ang mga senyales ng mahinang immune system, maaari mong subukan ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries. Mayroon itong mangosteen xanthones na hindi lamang anti-diarrhea at anti-cancer ngunit isa ring immune booster. Maliban dito, ang isang capsule ay naglalaman din ng cranberry, wolfberry, at acerola berries na kayang magpalakas ng iyong immunity. 

Close Menu
×
×

Cart