Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
Mga Sanhi At Sintomas Ng PCOS

Mga Sanhi At Sintomas Ng PCOS

Ayon sa mga pag-aaral, mahigit kumulang 4.5 milyong mga babaeng Pilipino ang nakakaranas ng Polycystic Ovary Syndrome o PCOS. Sa buong mundo naman, aabot sa mahigit 8% hanggang 20% ang may ganitong kondisyon. Dahil sa laganap na ang sakit na ito, mahalaga para sa kalusugan ng mga kababaihan ang malaman ang mga sanhi at sintomas ng PCOS. Dito, tatalakayin natin ang mga sanhi at sintomas ng PCOS na dapat na bantayan upang maagapan agad ito. 

Mga Sanhi ng PCOS

Sa kabila ng malawak na pag-aaral sa kondisyong ito, hindi pa natitiyak ng mga scientist at researcher ang sanhi ng PCOS. Bunga ng mga pag-aaral, nagkaroon tayo ng impormasyon sa mga factor na maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng PCOS. Ang mga maaaring sanhi ng PCOS ay:

Sobrang Insulin: Ang insulin ay ang hormone na ginagawa ng pancreas para macontrol ang ating blood sugar levels at para magamit ng katawan ang sugar para sa enerhiya. Minsan, ang mga cells ng katawan ay nagiging resistant sa insulin, kaya gumagawa ng sobrang insulin ang pancreas. Nakakaapekto rin ang pagiging obese sa paggawa ng insulin ng katawan. Pag nasobrahan sa insulin, tataas din ang paggawa ng androgen sa katawan.

Sobrang Androgen: Ang androgen naman ay ang sex hormone na kilala sa pagsimula ng puberty. Lahat ng kasarian ay gumagawa ng androgen, ngunit mas maraming ginagawang androgen ang mga lalaki. Kung masobrahan sa pagproduce ng androgen sa kababaihan, maaari itong makadulot ng hirsutism at acne, na mga sintomas rin ng PCOS.

Minana (Heredity): May ilang pag-aaral na iminumungkahing may kinalaman ang genes sa mga taong nagkakaroon ng PCOS. Maaaring namamana ang kondisyong ito, kaya mas mataas ang risk factor ng mga babaeng may PCOS ang mga kamag-anak.

Low-Grade Inflammation: Ang low-grade inflammation ay ang reaksyon ng ating mga white blood cells pag lumalaban sa infection. May mga pag-aaral na nalamang nakaka-trigger ng low-grade inflammation ang pagkakaroon ng polycystic ovaries. Dahil dito, sumosobra sa paggawa ng androgen ang katawan, at maaari itong maging problema sa puso at mga ugat.

Mga Sintomas ng PCOS

Mga Sanhi ng PCOS

Ang mga sintomas ng PCOS may maihahalintulad sa mga makikita kapag nasobrahan sa paglikha ng androgen ang katawan. Madalas mapansin ang sintomas ng PCOS sa unang menstrual period ng babae sa puberty. Minsan naman, nangyayari lang ang sintomas kapag may biglaang pagtaas ng timbang. Mapapansin rin na mas malala ang sintomas ng PCOS kung ikaw ay obese. Ang mga sintomas na dapat bantayan ay:

  • Menstrual cycle na hindi regular
  • Mga cyst sa ovary
  • Pagdami ng acne sa mukha at katawan
  • Hirsutism o pagtubo ng buhok sa katawan na katulad sa mga lalaki (sa mukha, dibdib, at likod)
  • Pagnipis ng buhok sa ulo na katulad sa mga lalaki
  • Pagbagsak ng libido
  • Pagkakaron ng depresyon
  • Pagbigat ng timbang

Key Takeaway

Ang kaalaman sa mga sanhi at sintomas ng PCOS ay mahalaga lalo na sa mga babaeng may risk factors tulad ng pagiging obese. Ngunit dahil talamak ito sa buong mundo, lahat ay inaanyayahang bantayan ang sariling katawan upang maagapan agad ang karamdaman.Isa sa mga paraan na maiiwasan ang mga sakit ay ang pag-aalaga sa iyong kalusugan. Ang pag-inom ng mga dietary supplements tulad ng Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries Vitamin Food Supplement ay mas magpapalakas sa iyong resistensya at magbibigay ng karagdagang sustansya. Maraming tao na ang natulungan ng mga capsule na ito sa kanilang mga karamdaman. Alamin kung paano sila gumaling sa regular na pag inom ng health supplements dito. At para naman malaman kung paano ka matutulungan ng supplements, basahin sa link na ito!

Close Menu
×
×

Cart