Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
Mga Paraan Para Ma Kontrol Ang Uric Acid

Mga Paraan Para Ma Kontrol Ang Uric Acid

Ano ang mga paraan para makontrol ang uric acid?

  1. Dalasan Ang Pag-Inom Ng Tubig
  2. Umiwas Sa Pag Kain Ng High-Purine Foods
  3. Bawasan Ang Pag-Inom Ng Beer
  4. Magdagdag Ng Mangosteen at Berries Sa Iyong Diet

Ang uric acid ay isang by-product ng mga pagkain na ating kinakain. Dumadaan ito sa ating kidney para ma filter at hindi ito manatili sa ating katawan. Ang mataas na lebel ng uric acid ay tinatawag na Hyperuricemia. Minsan wala itong pinapakitang sintomas, pero maaari itong humantong sa gout. Malalaman natin na mayroon tayong mataas na level ng uric acid sa pamamagitan ng isang blood test. Kung dumaranas ka ng hyperucimia, makakatulong na malaman mo ang ilang paraan paano pababain ang uric acid

Dalasan Ang Pag-Inom Ng Tubig

Man drinking water at the gym

Ang pinakamadaling paraan para pababain ang uric acid ay ang pag inom ng sapat na dami ng tubig. Ang ating kidney ay ang naglilinis ng mga waste-products sa ating katawan. Kapag tayo ay dehydrated, mas nahihirapan ito na gawin ito. Dahil dito, uminom na sapat na tubig araw-araw para tulungan ang kidney na malinis ng maigi ang uric acid at mailabas ito sa ihi.

Umiwas Sa Pag Kain Ng High-Purine Foods

Food low in purine

Ang purine sa mga pagkain ay dumadaan sa ating kidney at nagiging uric acid. Kung masyadong madami ang purine sa ating mga kinakain, mas nahihirapan ang ating kidney na gawin ang tungkulin nito. 

Ang mga pagkain na mataas sa purine ay ang mga lamang-loob, atay, sardinas, beans, at ibang seafoods tulad ng tahong at scallops. Maging maingat sa pagkonsumo ng mga pagkain na ito.

Iwasan din ang pag kain ng sobrang daming asukal dahil napapataas din nito ang level ng uric acid.

Kung mayroon kang mataas na uric acid, kumain ng mga pagkain na may mababang purine tulad ng itlog, whole grain na kanin at tinapay, prutas, low-fat cheese, skim milk, cabbage, squash, at red bell pepper.

Bawasan Ang Pag-Inom Ng Beer

Glasses of beer on top of a table

Ang beer ay isa sa mga inuming mataas sa purine na pinanggagalingan ng uric acid. Kung mataas ang iyong uric acid, mainam na bawasan ang pag-inom nito. Mas nahihirapan din ang kidney sa pag filter ng uric acid kapag umiinom tayo ng alchol.

Magdagdag Ng Mangosteen at Berries Sa Iyong Diet

May mga pag-aaral na nagsaliksik sa ugnayan ng pagkonsumo ng vitamin C at pagbaba ng uric acid. Ang mangosteen at ibang berries ay may vitamin C content na maaring makatulong sa mataas na uric acid. Ang isang cup ng raspberry ay may higit sa 50 porsyento ng vitamin C na kailangan natin sa ating katawan. 

Ang mataas na level ng uric acid ay maari ring humantong sa gout, inflammation, at pagsakit ng mga joints. Ang mga berries tulad ng acai berry, bilberry, raspberry grapeseed, hawthorn berry at acerola berry ay may anthocyanins na maaring makatulong at pigilan ang mga ito. 

Key Takeaway

Tandaan na mas epektibo kung gagawin ang lahat ng paraan paano papabain ang uric acid. Baguhin ang iyong lifestyle at kumain ng tama. Ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries Vitamin Food Supplement ay may mangosteen at iba’t ibang klase ng berries tulad ng acai berry, bilberry, raspberry, cranberry, grapeseed, wolfberry, hawthorn berry, at acerola berry na nakakatulong sa ating kalusugan. 

Close Menu
×
×

Cart