Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
Paano Pababain Ang Mataas Na Bad Cholesterol?

Paano Pababain Ang Mataas Na Bad Cholesterol?

Paano pababain ang mataas na bad cholesterol?

  1. Ehersisyo
  2. Itigil Ang Paninigarilyo
  3. Kumain ng Heart-Healthy Food

Madalas natin marinig ang mga taong nagtatanong kung=. Ngunit, ang hindi madalas na nababanggit ay ang dalawang klase ng lipoprotein na nagdadala ng cholesterol sa ating buong katawan. Ito ay ang low density lipoprotein (LDL) o ‘bad cholesterol’ at ang high density lipoprotein (HDL) o ‘good cholesterol’. 

Ang HDL ay sumisipsip ng cholesterol sa ating ugat at dinadala ito sa ating liver para mailabas sa ating katawan. Sa kabilang banda, ang LDL ay maaring dumikit sa ating mga ugat at pasikipin ang daanan ng ating dugo. Kapag tuluyan na itong napuno at nagbabara, aatakihin tayo sa puso.

Dahil dito, dapat maging maingat tayo at alagaan ang ating katawan. Lalo na’t ang mataas na bad cholesterol ay walang halatang sintomas na ipinapakita. Narito ang mga pinakamahusay na paraan para pababain ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.

Ehersisyo

Woman exercising while listening to music

Ang iyong timbang ay may malaking papel sa iyong cholesterol levels. Kapag ikaw ay sobra sa timbang o obese, ang iyong atay ay gumagawa nang mas maraming bad cholesterol. Maliban dito, nababawasan din ang iyong good cholesterol.

Ito ang dahilan kung bakit ang pagpapanatili ng malusog na timbang ay mahalaga para sa balanse at malusog na cholesterol levels. 

Upang mapanatiling tama ang iyong timbang, iwasan ang mga pagkain na mataas sa saturated fat at cholesterol at kumain ng balanse at masustansyang pagkain. 

Importante rin ang pag-eehersisyo ng 30 na minuto kada araw. Nakita sa mga pag-aaral ang pagbaba ng bad cholesterol sa mga taong nagsasagawa ng low to moderate-intensity exercises ng 30 minuto sa isang araw. Ang mga resulta na ito ay nakikita sa loob ng 8 hanggang 24 na linggo. 

Usong-uso sa panahon ngayon ang pagbibisikleta. Maliban sa pagpapayat, ito ay nagpapalakas ng kalamnan, baga, at immune system. Nakakatulong din ito magpababa sa mataas na level ng stress. 

Itigil Ang Paninigarilyo

Woman breaking cigarettes

Naninigarilyo ka ba madalas? Ang paninigarilyo ay isa sa sanhi ng pagtaas ng bad cholesterol. At kapag ang isang taong may mataas na cholesterol ay naninigarilyo, pinapalala nito ang mga side effects dahil ang paninigarilyo ay nagdadala ng plaque buildup sa ating mga ugat.

Alam nating lahat na mapanganib ang paninigarilyo para sa ating pangkalahatang kalusugan. Pinakamainam na huminto nang maaga hangga’t maaga pa. 

Kumain Ng Heart-Healthy Food

Close up picture of berries

Mahalaga ang soluble fiber para sa pagpababa ng bad cholesterol. Kapag kumain ka ng soluble fiber, ito ay napupunta sa iyong small intestine, kumakabit sa mga particle ng cholesterol, at pinipigilan ang mga ito na pumasok sa dugo at sa iba pang mga bahagi ng katawan. Ang soluble fiber ay matatagpuan sa mga oats, beans, talong, okra, at prutas tulad ng mansanas at strawberry.

Ang pag kain ng berries ay mabuti rin para sa kalusugan sa puso. Pinapataas nito ang good cholesterol sa katawan.

Ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries Vitamin Food Supplement ay mayroong mangosteen at walong uri ng berry na mabuti para sa ating kalusugan. Ang acai berry, at ang grapeseed nito ay makakatulong sa cholesterol levels. Habang ang bilberry, cranberry, wolfberry, at hawthorn berry ay nagbibigay kalusugan sa ating puso. Ang raspberry at acerola berry naman ay nakakatulong sa sugar levels. Maliban dito, ang pag kain ng mga berries ay may maraming iba pang mga benepisyo sa kalusugan.

Key Takeaway

Ngayon ay alam na natin paano pababain ang mataas na bad cholesterol. Mag-ehersisyo, itigil ang paninigarilyo, at kumain ng tama. Ang mababang bad cholesterol at mataas na good cholesterol ay makakatulong sa pag-iwas sa mga sakit sa puso tulad ng stroke at heart attack. 

Close Menu
×
×

Cart