Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
Paano Gamutin Ang Dysmenorrhea?

Paano Gamutin Ang Dysmenorrhea?

Paano gamutin ang dysmenorrhea?

  1. Paggamit ng hot compress
  2. Pag-eehersisyo
  3. Pagrelax at pagpahinga
  4. Pag-inom ng mga gamot
  5. Pag-inom ng Healthmax Care Capsules

Ang dysmenorrhea ay ang pananakit sa puson na dulot ng menstruation. Kilala rin ito bilang menstrual cramps. Ang mga sintomas na nararanasan ay nag-iiba sa bawat indibidwal. Ang ibang kababaihan ay kaunting sakit lamang ang nararamadaman habang ang iba naman ay nakakaramdam ng labis na sakit hanggang sa hindi na nila kinakayanang kumilos pa.

Ito ay nararanasan ng lampas kalahati ng mga kababaihan sa buong mundo, at bumabalik ito kada buwan. Dahil sa paghihirap na ito, nakahanap tayo ng mga paraan kung paano gamutin ang dysmenorrhea.

Dito, nilista namin ang mga epektibong paraan para magamot ang naturang sakit. Ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman!

Paggamit ng hot compress

Isa sa mga pinakamabisang paraan para magamot ang mga sintomas ng dysmenorrhea ay ang paggamit ng hot compress. Nakakatulong ang mataas na temperatura sa pagpaparelax ng mga muscle ng uterus, pagpapalakas ng daloy ng dugo, at pagpapawala ng pananakit. Kung walang hot compress, maaaring gumamit ng heating pad o kahit isang water bottle na may mainit na tubig. Ilagay lamang ito sa may puson habang nagpapahinga para mawala ang sakit.

Pag-eehersisyo

Para sa mga nakakaranas ng malalang sintomas ng dysmenorrhea, madalas ay sumasama ang pakiramdam nila at gugustuhin na lamang nilang magpahinga. Ngunit ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang pag-eehersisyo sa sakit na nararamdaman. Subukan pa ring maging aktibo kahit sa maliliit na paraan lamang. Kung may regla na, maaaring maging aktibo pa rin sa pamamagitan ng paglalakad-lakad, pagjojogging, o pagsstretching. Makikita rin na ang mga babaeng madalas mag ehersisyo ay mas bihira makaranas ng mga sintomas ng dysmenorrhea.

Pagrelax at pagpapahinga

Mahalagang makakuha ng sapat na pahinga kapag nakakaranas ka ng dysmenorrhea. Kung ikaw ay nakakaramdam ng pagod, iwasang i-strain ang sarili at magpahinga hangga’t sa kailangan. Makakatulong rin ang ilang mga technique para makapag-relax, tulad ng pagmemeditate at yoga para malabanan ang pananakit na nararamdaman. Kung bigyan ng sapat na pagpapahinga at pagrerelax, mas kakayanin ng ating katawan na lumaban sa mga sintomas.

Pag-inom ng mga gamot

May mga kababaihan na nakakaranas ng labis na pananakit dahil sa dysmenorrhea. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan nang uminom ng mga over-the-counter na pain reliever tulad ng ibuprofen o mefenamic acid. Ito ay mabisa at mabilis na paraan para mawala ang sakit sa puson. 

Pag-inom ng Healthmax Care Capsules

Kung hindi mabisa ang ibang mga paraan para gamutin ang dysmenorrhea, maaaring subukan ang Healthmax Care Capsules! Gawa ito sa mga natural na kasangkapan tulad ng mangosteen, wolfberry, cranberry, at iba pa. Ang mga kasangkapang ito ay nagbibigay ng mga antioxidants, flavonoids, at iba pang mga mahahalagang nutrients para makabawi ang katawan sa dysmenorrhea. Uminom lamang ng dalawang capsule ng Healthmax Care Vitamin Food Supplements at siguradong makakabangon ka sa dysmenorrhea! 

Key Takeaway

Importanteng malaman ng nakararami kung paano gamutin ang dysmenorrhea, maging lalaki man o babae. Ito ay para maaari nating tulungan ang mga nakakaranas ng malalang sintomas ng naturang karamdaman.Nakakaapekto rin sa maaaring mga sintomas na maramdaman ang pamumuhay kahit wala pang dysmenorrhea. Gaano ka-healthy ang iyong mga kinakain? Palagi ka bang nag eehersisyo? Simulan na ang pag-aalaga sa iyong kalusugan upang makaiwas sa dysmenorrhea, at uminom ng Healthmax Care Mangosteen Food Supplement araw-araw! Ito ay makatutulong sa iyo laban sa mga sakit tulad ng cancer, sakit sa puso, at altapresyon. Maaari ring mahanap ang iba naming mga produkto dito!

Close Menu
×
×

Cart