Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
4 Na Paraan Para Alagaan Ang Mga Mata

4 Na Paraan Para Alagaan Ang Mga Mata

 

Ano ang mga paraan para alagaan ang ating mga mata?

  1. Bigyan ito ng proteksyon
  2. Sundin ang 20-20-20 rule
  3. Bawasan ang ilaw sa gabi
  4. Kumain ng iba’t ibang klase ng berries

 

Napapansin mo ba na nagiging mas malabo ang iyong paningin? Mas madalas bang nangangati ang iyong mata? O nararamdaman mo ba na pagod ito? Ito ang mga posibleng epekto ng eye fatigue. Upang panatilihin ang kalusugan ng iyong paningin, ngayon ay tuturuan namin kayo kung paano alagaan ang iyong mata.

 

Bigyan Ito Ng Proteksyon

A woman wearing sunglasses

Kung madalas ka lumabas sa umaga, mainam na gumamit ng sunglasses. Ang prolonged exposure sa UV rays ay maaaring humantong sa mga sakit sa mata tulad ng cataract at macular degeneration. Makakatulong ang sunglasses sa pagharang sa mga UV rays at mas maproprotektahan nito ang iyong mga mata.

Kung plano mo bumili nito, humanap ng tindahan na nagbebenta ng sunglasses na may 100% UV protection. May mga prescription glasses din na may ganitong feature. Ugaliin ang pagsuot nito palagi kahit hindi tirik ang araw.

 

Sundin Ang 20-20-20 Rule

A person doing the 20-20-20 rule

Ang pagtingin ng matagal sa isang screen ay nakakadagdag ng pagod sa ating mata. Kung mahilig kang magbasa ng libro o gumamit ng mobile phone at computer, ang 20-20-20 rule ay makakatulong para maipahinga ang iyong mata panandalian.

Ugaliin ang pagtingin sa bagay na may 20 feet na layo, kada 20 minuto, ng 20 segundo. Maaari ka din magpractice ng eye exercises tulad ng pag trace ng nakahigang number 8 gamit ang mata ng 30 segundo.

 

Bawasan Ang Ilaw Sa Gabi

A woman closing her bedside lamp

Kung nahihirapan ka matulog sa gabi, maaring may kaugnayan ito sa paggamit ng cell phone at panunuod ng TV. May mga research na nagsasabi na ang artificial light mula sa ating ilaw at screens sa gabi ay maaaring makaapekto sa ating circadian rhythm o body clock. Dahil dito, mas nahihirapan tayo makatulog. Ang exposure sa ilaw bago matulog ay maari din magdulot ng eye fatigue pagkagising.

Para makatulog ng sapat na oras, mainam na patayin ang ilaw at limitahan ang paggamit ng gadgets bago matulog. Sa isang pag-aaral, nakita ang pag improve sa sleep quality sa mga babaeng nagbawas ng ilaw at ingay sa gabi.

 

Kumain Ng Iba’t Ibang Klase Ng Berries

Raspberries

Ikaw ba ay nakakaranas ng dry eyes? Kung lagi kang nagbabasa o gumagamit ng cellphone at computer, maaring nakakalimutan mo na pumikit. Ang iba pang sanhi nito ay aging, vitamin A deficiency, mga gamot tulad ng antihistamine, decongestants at birth control, at paggamit ng contact lenses.

 

Bilberry

Kung nararanasan mo ang dry eyes, maaring makabuti sa’yo ang pagkain ng bilberry. May isang pag-aaral na nagpakita na ang regular na pagkonsumo ng billberry extract ay nagdulot ng karagdagang tear production.

 

Raspberry

Isa pang uri ng berry na maaaring makatulong sa pagod na mata ay ang raspberry. Mayaman ito sa zeazanthin na nakakatulong magfilter ng ilaw ng blue light na galing sa computer at mobile screens.

 

Wolfberry or Goji Berry

Ang wolfberry ay dumaan din sa isang pag-aaral, kung saan nakita na maaari itong makatulong sa pagpigil ng mga sakit sa mata sa mga taong may type-2 diabetes. Ang prutas na ito ay nagmula sa China, at matagal nang ginagamit sa traditional Chinese medicine. Tinatawag din ito sa pangalang goji berry.

 

Key Takeaway

Kung alam natin paano alagaan ang ating mata, mas maiiwasan natin ang dry eyes at ibang sakit tulad ng cataract at macular degeneration. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsuot ng sunglasses, pagpractice ng 20-20-20 rule, pagbawas ng ilaw sa gabi, at pagkain ng iba’t ibang klase ng berries tulad ng bilberry at wolfberry.

Ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries ay may bilberry, wolfberry, raspberry, acai berry, cranberry, grapeseed, hawthorn berry, acerola berry, at mangosteen. Ang mga prutas na ito ay nagbibigay ng mga maraming benepisyo sa ating kalusugan, kabilang na ang pagprotekta sa ating paningin.

Kung mayroon kang karagdagang tanong, maaari mo kaming i-message dito at sa aming Facebook page.

Close Menu
×
×

Cart