Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
Paano Alagaan Ang Kidney?

Paano Alagaan Ang Kidney?

Paano alagaan ang kidney?

  1. Ingatan ang blood sugar at blood pressure
  2. Kumain ng tamang pagkain at uminom ng sapat na tubig
  3. Maging aktibo at mag ehersisyo
  4. Uminom ng mga organic na food supplement

Ang kidney ay ang naglilinis ng mga dumi at sobrang likido sa iyong katawan sa pamamagitan ng iyong ihi. Bukod pa rito, ang iyong kidney ay responsable rin sa paggawa ng mga hormone na nakakatulong kontrolin ang iyong blood pressure. Dahil dito, dapat ay alam mo kung paano alagaan ang kidney.

Ang mga sakit sa kidney ay itinuturing na mga “silent killer” dahil hindi ito agad-agad nararamadaman, ngunit kung pababayaan ay maaaring maging nakamamatay na kondisyon. Para maiwasan ang mga ito, kailangang tugunan mo ang iyong responsibilidad sa iyong katawan at alamin ang mga paraan kung paano alagaan ang kidney. 

Ingatan ang blood sugar at blood pressure

Importante ang regular na pagsusuri sa blood sugar dahil dito ay malalaman mo kung ikaw ay may diabetes. Pero kalahati sa bilang ng mga taong may diabetes ay undiagnosed. Ang sakit na diabetes ay maaari magdulot ng sakit sa kidney. 

Kung ikaw ay may diabetes, nahihirapan ang mga cells mo na gumamit ng glucose o sugar. Dahil dito, mas nahihirapan rin ang iyong kidney na linisin ang iyong dugo. Kung papabayaan, maaari itong humantong sa nakakamatay na pinsala sa iyong kidney. Maiiwasan ang diabetes at sakit sa kidney kung ingatan mo ang iyong blood sugar.

Tulad ng diabetes, karamihan din ng mga tao ay hindi alam na may altapresyon na sila o mataas na blood pressure. May masamang epekto rin ang altapresyon sa kalusugan ng iyong kidney. Kung alam mong mataas ang iyong blood pressure, maaari mong kausapin ang iyong doktor tungkol sa maaaring maging epetko nito sa iyong katawan at sa iyong kidney.

Kumain ng tamang pagkain at uminom ng sapat na tubig

Ang pagkakaroon ng healthy diet ay magdudulot ng maraming benepisyo sa iyong katawan. Makakatulong ito makontrol ang iyong blood pressure, maiwasan ang obesity, at sakit sa kidney. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong labis ang timbang o obese ay mas madaling madapuan ng sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso.

Hangga’t maaari, iwasan mo ang labis na asin sa pagkain dahil maaari itong humantong sa sakit sa kidney. Mainam na kumain lamang ng sariwang mga pagkain na natural na mababa sa asin. Maliban dito, importante rin ang pag-inom ng sapat na tubig. Ang pagiging hydrated ay nakatutulong para malinis ang mga toxin at sodium sa kidney.

Maging aktibo at mag ehersisyo

Nakakatulong ang pag-eehersisyo sa pag-iwas sa obesity, pagkontrol ng blood pressure, pangagalaga ng kalusugan ng puso, at pag-iwas sa Chronic Kidney Disease (CKD). Lahat ng mga benepisyong ito ay makakatulong panatilihing malusog ang iyong mga kidney, dagdag sa iba pang natural na epekto ng ehersisyo sa katawan.

Hindi mo kailangan ang sobra-sobrang pag-ehersisyo para alagaan ang iyong kidney. Sapat na ang kaunting paglalakad o pagjojogging sa umaga kung gagawin ito palagi.  

Uminom ng mga organic na food supplement

Maliban sa diet at excercise, mayroong organic food supplement na maaaring makatulong sa pangkalahatang kalusugan ng iyong katawan. Ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries Vitamin Food Supplement ay gawa sa mga natural na sangkap tulad ng mangosteen. Ito ay mayroon ding cranberry na nakakatulong labanan ang mga sakit sa kidney at UTI.

Key Takeaway

Kung alam mo paano alagaan ang kidney, mapipigilan mo ang biglaang pagsulpot na mga sakit. Ang pag-monitor sa blood pressure at blood sugar, pagkain nang tama, pagiging aktibo, at pag-inom ng Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries ay maraming benepisyo sa katawan maliban sa pangagalaga ng iyong kidney. 

Dito sa Healthmax Care, alam namin ang kahalagahan ng kalusugan. Layunin naming gumawa ng mga produktong gawa sa organic o natural na kasangkapan, tulad ng aming food supplements. Bisitahin ang aming online shop para makita ang aming mga produkto at mag-order na!

Close Menu
×
×

Cart