Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
Mga Paraan Para Alagaan Ang Mata

Mga Paraan Para Alagaan Ang Mata

Ano ang mga paraan para alagaan ang mata?

  1. Protektahan ang mata
  2. Ipahinga ang mga mata
  3. Siguraduhing makukuha ang mga tamang bitamina

Ang ating mga mata ay isa sa mga pinakaimportanteng parte ng ating katawan. Ang mga sakit na nakukuha dito ay maaaring magdulot ng kawalan ng ating paningin. Sa ating pagtanda, normal nang humina ang ating paningin kasabay ng paghina ng ating katawan. Ngunit ang epektong ito at mga sakit na maaaring makuha ay mababawasan o mapapabagal kung aalagaan nang maayos ang ating mga mata. Maraming mga paraan para alagaan ang mata sa ating mga araw-araw na gawain. Para malaman ang mga paraan na ito, basahin ang aming inihandang listahan sa baba!

Protektahan ang mata

Maselan ang mga mata ng tao. Madali itong mairita kahit ng pinakamaliliit na bagay tulad ng buhangin o alikabok. Madalas din nating pinapabayaan na walang proteksyon ang ating mga mata. Maraming mga gawain ang hindi nakabubuti sa ating mga mata, kaya dapat magsuot ng tamang proteksyon para sa mga ito. Heto ang ilan sa mga kasuotan para sa iyong mga mata:

  • Swimming goggles – kung ikaw ay lalangoy sa isang swimming pool na may chlorine, mabuti nang proteksyonan ang iyong mata sa naturang kemikal at magsuot ng swimming goggles.
  • Safety goggles – kung ang iyong trabaho ay mapanganib para sa mga mata tulad ng trabaho sa konstruksyon o sa pabrika, siguraduhing nagsusuot ng tamang PPE.
  • Sunglasses – ang ultraviolet (UV) rays na nanggagaling sa araw ay nakakasama sa ating mga mata. Ugaliing magsuot ng sunglasses kung lalabas habang mainit ng panahon upang makaiwas sa cornea sunburn o photokeratitis.

Dagdag na ring proteksyon sa mata kung iiwasan natin ang madalas na pagkuskos nito gamit ang ating mga kamay dahil ang ating mga kamay ay maaaring magdala ng maraming dumi.

Ipahinga ang mga mata

Katulad ng ibang parte ng ating katawan, kailangan din ng pahinga ng ating mga mata. Mas mahalaga itong paalala na ito sa mga taong nagbababad sa mga gadget tulad ng computer at cellphone. Iwasan ang labis na paggamit ng gadgets dahil ito ay makakadulot ng eye strain na hindi nakakabuti sa mata. Ugaliin ang pagpahinga ng mata at siguraduhin din makakakuha ng sapat na tulog para makapag-recharge ang mga ito.

Siguraduhing makukuha ang mga tamang bitamina

Siguraduhing makukuha ang mga tamang bitamina

Para mapanatiling malusog ang mga mata, kailangan nito ang mga tamang bitamina. Iilan sa mga mahahalagang bitamina ay ang vitamin A, vitamin C, vitamin E, omega-3 acids, at lutein. Napapabuti nito ang atingg paningin at pinoprotektahan ang mata sa mga sakit. Makukuha ito sa tamang mga pagkain tulad ng mga gulay tulad ng spinach, mga isda tulad ng salmon at tuna, mga beans, at mga prutas.

Madalas ay hindi natin nakukuha ang lahat ng kailangang mga bitamina sa pagkain lamang, kaya dapat ay uminom rin ng tamang mga supplements, tulad ng Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries Vitamin Food Supplement. Ito ay gawa sa mga organic na kasangkapan tulad ng bilberry na panlaban sa katarata, raspberry na may ellagic acid na pinoprotektahan ang mata, at goji na puno ng antioxidants.

Key Takeaway

Ang mga paraan para alagaan ang mata ay dapat ginagawa araw-araw para maiwasan ang malalang epekto sa paningin. Bukod sa pagprotekta at pagpahinga, kasama na rin dapat ang pag inom ng Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries Vitamin Food Supplement araw-araw! Bukod sa mga nabanggit kanina, marami pang mabuting naidudulot ang mga supplements sa ating kalusugan na maaari mong basahin dito! Maaari mo ring bisitahin ang aming online shop para makita ang aming mga produkto para sa kalusugan! 

Close Menu
×
×

Cart