Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Post Type Selectors
Search in posts
Search in pages
4 Health Tips Para Sa Pagbabalik Trabaho Ngayong New Normal

4 Health Tips Para Sa Pagbabalik Trabaho Ngayong New Normal

Ano ang mga health tips para sa balik trabaho ngayong new normal?

  1. Uminom ng mga immune-boosting supplements
  2. Sumunod sa safety protocols ng kumpanya
  3. Panatilihing malinis ang work area
  4. Umiwas sa mga sama-sama

Karamihan ng mga nagtatrabaho ay naapektuhan dahil sa pandemic. Maaaring isa ka sa mga mapalad na makapagpatuloy ng trabaho dahil sa work-from-home protocols. O kaya naman ay pinauwi muna dahil sa mas mahigpit na quarantine regulations. Kahit ano man ang iyong sitwasyon, darating ang panahon na maaaring pabalikin ka na sa opisina. Kung gusto mong maiwasan ang pagkahawa sa virus, basahin ang mga health tips sa balik trabaho ngayong new normal. 

Uminom Ng Mga Immune-Boosting Supplements

Ang iyong immune system ang lumalaban sa mga virus sa paligid. Kapag mahina ito, mas madali kang makakasakit o gumaling sa sakit. Sa kasamaang palad, maraming bagay ang nagpapahina ng iyong immunity. Kabilang dito ang puyat, paninigarilyo, pag-iinom ng alak, o kaya naman ay kakulangan sa nutrisyon.

Kung kulang ka sa prutas at gulay, isang paraan para palakasin ang iyong immune system ay sa pamamagitan ng paginom ng health supplements! Ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries ay naglalaman ng mangosteen xanthones para sa iyong immunity. Mayroon din itong cranberry na 30 beses mas epektibo sa ordinaryong vitamin C. Maliban diyan, ang supplement na ito ay makakatulong labanan ang cancer, diabetes, UTI, osteoporosis, at marami pang iba. 

Sumunod Sa Safety Protocols Ng Kumpanya
Sumunod sa safety protocols ng kumpanya

Dahil sa paglago ng mga bagong Covid-19 virus variants, nirerekomenda pa rin ng World Health Organization ang pagsusuot ng mask kahit ikaw ay may bakuna na. Importante ito lalo na kung ikaw ay babalik sa trabaho dahil makakasama mo ang mas maraming tao. Upang mapababa ang pagkakataon na mahawa ka sa virus, wag balewalain ang mga protokol ng iyong kumpanya. Ito ay para sa iyo at sa ika kabuti ng iba.

Kung nararamdaman mong nasa panganib ang iyong kalusugan, magandang ideya na ipaalam ito sa iyong supervisor o employer.

Panatilihing Malinis Ang Work Area

Maaaring kumalat ang Covid-19 virus sa pamamagitan ng mga gamit na hinawakan ng may sakit, kaya maiging panatilihing malinis ang iyong work area. Maghugas o mag disinfect ng kamay matapos hawakan ang mga sumusunod:

  • Hawakan ng pinto
  • Pindutan sa elevator
  • Switch ng ilaw
  • Panulat
  • Hawakan ng hagdan
  • Lababo
  • Toilet

Ang virus ay mas madaling kumalat sa mga lugar na walang ventilation. Kung maaari, buksan ang mga bintana at pinto para makapasok ang sariwang hangin sa iyong work area. 

Umiwas Sa Mga Sama-Sama
Umiwas sa mga sama-sama

Ngayong ikaw ay magbabalik trabaho, hindi maiiwasan na ma-excite ka dahil makikita mo na ang iyong mga katrabaho. Dahil dito, maaaring makalimutan mo ang social distancing. Pero tandaan na ang person-to-person contact ay nananatili pa rin na pinakamabisang paraan para kumalat ang virus.  

Tandaan na mahalaga ang kalusugan mo at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Umiwas muna sa mga sama-sama lalo na kung may pamilya kang wala pang bakuna, tulad ng mga bata. Dahil dito, patuloy na sumunod sa social distancing protocols sa trabaho. 

Key Takeaway

Sa tulong ng mga itong health tips sa balik trabaho ngayong new normal, maiiwasan mo ang pagkuha ng COVID-19 at mga iba pang sakit. Wag kalimutan ang pagsusuot ng mask, social distancing, at paghuhugas ng kamay habang nasa trabaho.Maliban dito, ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries ay makakatulong na palakasin ang iyong immune system laban sa anumang sakit. Kung ikaw ay interesado, maaari kang bumili rito sa website.

Close Menu
×
×

Cart