Generic selectors
Exact matches only
Search in title
Search in content
Search in posts
Search in pages
Ano Ang Acai Berry?

Ano Ang Acai Berry?

 

Ano ang acai berry?

  1. Marami Itong Antioxidants
  2. Nakakabuti Ito Sa Pag-iisip
  3. Ito Ay Isang Heart-Healthy Food
  4. Nakakatulong Sa Digestion

 

Ano ang mga health benefits ng mga prutas na madalas mong kinakain? Ang mga saging ay pinagkukunan ng Vitamin C at potassium na nakakatulong pababain ang mataas na blood pressure. Ang mansanas ay nakakatulong sa weight loss at pagpapabuti ng gut health. At ang mangga ay tumutulong sa paglakas ng iyong immune system. Kung araw araw mong kinakain ang mga prutas na ito, makabubuti ang malaman kung ano ang acai berry.

Ang acai berry ay matatagpuan sa South America. Ito ay tinatawag na berry, pero mas malapit ito sa mga apricot at plum dahil sa pit o buto nito. Kulay purple ang balat nito, at kinokonsumo ito bilang supplement, juice, smoothie, o toppings sa yogurt.

Isa rin siyang “superfruit”. Ang ibig sabihin nito ay ang acai berry ay naglalaman ng maraming antioxidants at ibang bitamina na makakatulong sa iyong kalusugan.

 

Marami Itong Antioxidants

Acai Bowl With Fruits

Maganda ang antioxidant sa ating katawan dahil nilalabanan nito ang free radicals na maaring humantong sa iba’t ibang sakit. Ang iilan sa mga sanhi ng pagdami ng free radicals ay polusyon, pag-inom ng alak, high blood sugar, radiation, at infection.

Kumpara sa blueberry, ang acai berry ay may mas mataas na antioxidant content. Isa dito ang anthocyanin na nakakatulong sa kalusugan ng ating isip at puso.

 

Nakakabuti Ito Sa Pag-iisip

An elderly woman with a sharp mind due to acai berry

Ang Alzheimer’s disease ay sakit sa pag-iisip. Ang mga sintomas nito ay ang pagkalimot at paghirap sa pananalita. Ang mga taong mayroong ganitong sakit ay nahihirapan kahit sa mga simpleng gawaing bahay lamang.

Isa pang sakit sa pag-iisip ay ang Parkinson’s disease. Nakikita ito sa panginginig ng katawan. Dahil dito, nahihirapan ang tao na maglakad ng diretso o gumalaw ng normal.

Ang antioxidant content ng acai berry ay maaaring makatulong sa pagbaba ng risk sa pagkakaroon ng ganitong mga sakit. Isang pag-aaral ang nagmumungkahi na ang acai berry ay maaring makabuti sa ating utak habang tayo ay tumatanda.

 

Ito Ay Isang Heart-Healthy Food

Acai Berry Smoothie

Maliban sa paghahasa ng ating isip, nakakatulong din ang acai berry na pababain ang low-density lipoprotein (LDL) o bad cholesterol sa ating katawan. Ang mataas na lebel ng LDL ay nagpapasikip sa ating mga ugat at maaaring humantong sa stroke.

Sa isang pag-aaral, nakita ang pagbaba ng LDL sa mga overweight na taong komunsumo ng dalawang acai smoothie kada buwan. Nakita din and epekto nito sa pagprotekta sa mga ibang sakit sa puso tulad ng cardiac dysfunction.

 

Nakakatulong Sa Digestion

A person with good digestion thanks to acai berry

Ang acai berry ay maaring makabuti sa ating tiyan dahil sa prebiotic benefits nito, ayon sa isang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay inuugnay ito sa antioxidants at fiber na makikita sa prutas. Ang prebiotics ay kinokonsumo ng good bacteria sa ating bituka para protektahan tayo sa mga masamang bacteria na maaring magdulot ng pananakit ng tiyan, diarrhea, constipation, at heartburn.

 

Key Takeaway

Ano ang acai berry? Ito ay isang prutas na may maraming antioxidants at fiber content na nakakabuti sa kalusugan ng ating utak, puso, at bituka. Ang pagkain nito ay maaring makatulong sa pagiwas sa mga sakit katulad ng Alzheimer’s disease, Parkinson’s disease, mataas na cholesterol, stroke, diarrhea, constipation, at heartburn.

Ang Healthmax Care Mangosteen Plus 8 Berries ay mayroong acai berry at iba pang prutas tulad ng mangosteen, bilberry, raspberry, cranberry, grapeseed, wolfberry, hawthorn berry, at acerola berry. Ito lang ang health supplement na pinagsama ang mangosteen at walong klase ng berry. Ang bawat prutas na ito ay may kanya-kanyang health benefits na makikita dito.

Kung interesado ka sa Healthmax Care Mangosteen Plus 8 berries, ito ay mabibili online sa aming shop. Kung may karagdagang tanong, huwag magdawalang isip na magpadala ng mensahe sa amin dito.

Close Menu
×
×

Cart